Madaling Mahulog, Mahirap Umalis
- jhengdhara
- Apr 30, 2017
- 1 min read
Madaling mahulog , mahirap umalis
Lalo na't Minahal mo siya nang ganun kabilis
Pinahalagahan mo ng labis labis
Labis pa sarili mo, kaya naman nakalimutan mong
may buhay ka rin pala sa mundo
Madaling mahulog mahirap umalis
Umalis sa katotohanang Ibinigay mo ang lahat lahat
Ginawa mo yung Alam mong dapat
Kahit alam mong kailanman hindi ka magiging sapat
Kahit gaano pa kahirap ay pilit mong hinarap
Kaya naman ngayon ay kailangan humarap
Humarap sa katotohanang Hanggang dito ka na lang,
Madaling mahulog mahirap umalis
Umalis at harapin ang katotohanang
kailangan mong bumangon at umahon
Mula sa pagsabay mo sa sayaw ng alon
Kailangan bumangon at harapin ang bagong hamon
Madaling mahulog mahirap umalis
Umalis sa katotohanang pagod ka na
Pero pilit kang ngumingiti at pilit mong kinakaya
Bumitaw ka na, hanggat kaya mo pa
Umayaw ka na, habang maaga pa
Magpahinga ka, dahil kailangan mo
Hindi dahil sa gusto ng ibang tao
Dahil yun ang deserved mo
Yun ang kailangan ng katawan mo
Madaling mahulog mahirap umalis
Umalis sa katotohanang Tama na, itigil mo muna
Huminga ka, para sa sarili mo at Hindi para sa iba
Kahit ngayon lang bigyan mo nang halaga
Yung sarili mo na pinabayaan mo na
Aalis ka Hindi ibig sabihin ay Sumuko ka
Maaaring napagod ka lang at mas pinili mo lang magpahinga
Oo, Magpahinga, bagay na dapat ay matagal mo nang ginawa
Madaling mahulog mahirap umalis
Umalis at tanggapin na ang darating na bukas
ay kailangan mo nang harapin ...
コメント