Salamat, Paalam (spoken poetry)
- jhengdhara
- Apr 23, 2017
- 2 min read
Sumulat ako ng isang Tula
Tula na malapit ng matapos
Ngunit hindi ko alam
kung paano bibigyan ng katapusan
Tula na hanggang ngayon ay
hindi ko alam kung paano tutuldukan
Tula na malawak ang nilalaman
Pero sa lawak ng nilalaman
ang nangibabaw ay dalawang salita lamang
Dalawang Salita
Ang salitang Salamat, Paalam, Paalam, Salamat
Dalawang simpleng salita na may tig-tatlong pantig
Salita na madaling bigkasin
pero ang hirap bitawan
Salita na nais Kong sabihin
pero di ko alam kung saan sisimulan
Hindi ko alam ,
Oo , Hindi ko alam kung saan sisimulan,
Dahil ang alam ko lang, ayoko pang matapos,
ayoko pang wakasan,
Ayoko pang tuldukan, pero kailangan
Kailangan ,
dahil kailangan kong pansamantalang magpaalam
at lisanin ang Inang Paaralan ,
paaralan na itinuring kong sariling tahanan
tahanan kung saan nagkaroon ako ng matatawag na Pamilya
Pamilya na mayroong Ina
Ina na hindi lang isa, hindi lang dalawa, tatlo
dahil apat sila
Sila na itinuring kong pangalawang Ina
Sila na hindi ako itinuring na iba,
Sila na masasabihan mo ng problema,
Sila na handang ipagtanggol ka,
Sila na Kasama sa Tawanan at kwentuhan
Sila na kasama sa masasayang ala-ala
Ala-ala na maaaring baunin saan man magpunta,
Ala-ala na dadalhin ng may ngiti sa labi
Ala-ala na hindi matutumbasan ng kung sino man,
Ala-ala na hinding hindi ko malilimutan
Ngunit bago pa matapos itong saknong ng tula
ay nais kong iwanan ang dalawang salita
ang Salitang Salamat, at salitang Paalam
Paalam ngunit hindi pa dito natatapos ang tula ito,
dahil sa mga susunod pang saknong ay umaasa ako
na ang makakasama kong muli ay kayo
Salamat dahil nagkaroon ako ng rason
upang ipagpatuloy ito,
ngunit sa ngayon ay kailangan ko munang tuldukan
ang taludtod na hanggang dito nalang
kasabay nang pagsara ng huling taludtod sa aking Tula,
ay ang di ko mapigilang pagpatak ng luha
sa aking mga mata
hindi ko alam kung dulot ba ito ng lungkot
o dulot ng saya
ang alam ko lang
naramdaman ko ang salitang Saya
nung panahong nakilala ko kayo at nakasama ...
Comments