Anong Nangyari sa ating dalawa?
- jhengdhara
- Apr 30, 2017
- 1 min read
anong nangyari sa ating dalawa ?
ang alam ko lang noon mahal kita
minahal kita ng labis pa sa labis
kahit alam kong masyadong mabilis
Minahal kita kahit marami ang kontra
na kahit pamilya ko ay tinalikuran ko na
maging mga kaibigan ko na ayaw sayo
silang lahat ay tinalikuran at kinalimutan ko
anong nangyari sa ating dalawa?
ang alam ko lang noon masaya akong kasama ka
masaya tayo sa isa't isa habang magkahawak kamay
at sabay na naglalakbay
ngunit bakit nang minsa'y tanungin kita
kung ano na nga bang meron sa ating dalawa
ngumiti ka lang at sumagot , at sinabing "Masaya"
napaisip ako, pero tinanggap ang sagot mo
dahil ang katwiran ko " Kasi nga Mahal ko"
at isang araw nagulat ako walang text o chat galing sayo
hindi ka sumasagot sa lahat ng messages ko
at heto ako nag-aalala , natatakot, nangangamba
ano na bang nangyari sayo, nasaan ka na ba?
Lumipas ang araw, linggo at buwan,
wala ka pa rin kahit isang paramdam
iniwan mo ako tila ba sa kawalan
naiwan ako nang walang kaalam alam
Maraming tanong ang gumugulo sa isipan
mga tanong na hanggang ngayon ay walang kasagutan
wala akong magawa pinilit kong hanapin ka
ngunit nagulat ako nang makita kita
imbis na matuwa ay bigla akong naluha
nakita kita habang kasama mo Siya
magkahawak ng kamay at kapwa masaya
ano nga bang nangyari sa ating dalawa?
matatanggap ko sanang pinagpalit mo ko sa iba
pero ang di ko matanggap bakit sa BEST FRIEND ko pa?
Comments