Gumising ka na
- jhengdhara
- May 17, 2017
- 1 min read
Hoy! ikaw! oo ! Ikaw !
kailan ka ba gigising?
kailan ka ba gigising sa katotohanan?
sa katotohanang wala ka namang karapatan
sa katotohanang tao ka rin naman na may pakiramdam
Tao ka rin na nasasaktan
Nasasaktan pero pinipiling magpakamanhid
makamtan lang ang pagibig niyang walang bahid
walang bahid ng katotohanan
dahil iyo'y hanggang panaginip mo lang
sa dreamland kung saan kasama mo siya,
sa dreamland kung saan masaya ka,
sa dreamland kung saan mahal mo siya, at mahal ka niya
pero may biglang sasampal sayo ,
ang sakit ,
sobrang sakit kasi magigising ka
sa Katotohanang WALA NAMANG KAYO
masakit magising mula panaginip kung saan masaya ka
mas mabuti pang
magising ka sa panaginip kung saan malungkot ka
dahil mas mabuting pang bigkasin ang katagang
"Buti naman, Panaginip lang pala"
kaysa sa katagang
"Sayang naman, Panaginip lang pala"
kelan mo iiwan ang salitang Katangahan?
kailan ka ba gigising sa iyong kahibangan?
sa kahibangan na ikaw lang ang may alam
na kahit siya ay di alintana na may nasasaktan
Bawat ngiti mo siya ang dahilan
ngunit sa bawat Luha mo na nasasayang
Siya rin ang natatanging dahilan
gumising ka, bumangon ka,
punasan mo ang luha sa iyong mga mata
ayusin mo buhok mo, ayusin mo yung damit mo,
humarap ka sa salamin , ngumiti at bigkasin
"Masayang panaginip ka lang sa akin
ngunit ngayon ay kailangan ko nang gumising"
Bình luận