Sana hindi nalang
- jhengdhara
- May 7, 2017
- 1 min read
sana hindi nalang kita nakilala
masaya naman ako noon kahit wala ka pa
sana hindi nalang kita nakilala
dati sanay naman na ko kung paano mapag-isa
hindi tulad ngayon
pinahihirapan mo lang ako
pinaglalaruan yung damdamin ko
alam kong wala lang naman ako sayo
pero malaki ang lugar mo sa puso ko
Sana hindi nalang ako naging malapit sayo
Sana hindi nalang nagtagpo
yung landas na meron tayo
Sana hindi ko nalang naramdaman to
Ayan tuloy nahulog na naman ako
Nahulog sa taong hindi ako masasalo
pero wala akong karapatang magreklamo
na nasasaktan ako
dahil una sa lahat hindi mo ko pinaasa
sarili ko ang pinaasa ko
pinaasa sa bagay na wala naman pala talaga
sa bagay na wala lang sayo
pero sa akin ay sobrang mahalaga
alam kong hindi mo naman sinasadyang mahalin siya,
ako rin eh di ko sinasadyang mahalin ka
Pero Sana Hindi nalang talaga...
Comments