Sabi ko noon
- jhengdhara
- May 7, 2017
- 1 min read
sabi ko noon hindi na ko iiyak pa
sabi ko noon ayoko na tama na
sabi ko noon di ko na uulitin pa
sabi ko noon di na ko muling magmamahal pa
sabi ko noon huling iyak ko na to
huling iyak sa taong
hindi naman ako ang gusto
huling beses na magmamahal
ng taong iba ang mahal
huling beses na masasaktan
huling beses na aasa
sabi ko noon huling iyak ko na yun
pero nakilala kita
naramdaman ko ulit kung paano maging masaya
kung paano ngumiti ng totoo
at tumawa nang walang daya
sabi ko noon matatag na ko
sabi ko noon di na ko basta mahuhulog pa
pero nakilala kita
natuto naman akong maging Tanga
Tanga na Nahulog , Nagmahal, Umasa,
Tanga na Nasaktan at ngayon lumuluha..
Sabi ko noon ...
Comments