Nagseselos Ako
- jhengdhara
- May 7, 2017
- 1 min read
Nagseselos ako sa tuwing nakikita ko kayo
Naiinis ako kapag nagkakasalubong ang landas niyo
dahil nakikita ko kung paano ka ngumiti at sumaya
kapag nakakausap mo siya at nakikita
Nagseselos ako kahit alam kong hindi dapat
hindi ko alam pero natatakot akong magkaroon ng katapat
natatakot na baka nasa kanya yung wala ako
natatakot na baka mapunan niya yung mga pagkukulang ko
Nagseselos ako kasi Mahal kita
Nagseselos ako dahil para sa akin
ay sobrang mahalaga ka
Nagseselos dahil takot akong maagaw ka ng iba
at ang buong atensyon mo ay mabaling sa kanya
nagseselos ako sa tuwing kasama mo siya
Nagseselos sa tuwing nakikita kong masaya ka
Natatakot kasi ako na baka sa sobrang saya mo sa kanya
Makalimutan mo na kung paano Tayo naging Masaya
nung panahong TAYO palang at wala pa SIYA ...
Comentarios