top of page

Ayoko na (spoken word)

  • jhengdhara
  • May 17, 2017
  • 2 min read

Isang araw nabuhay ako sa sarili ko

kung saan nasabi Kong kaya ko na

kaya ko nang harapin ang mundo mag-isa

na walang sino mang kasama

sinanay ko na yung sarili na kaibigan lang sapat na

na hindi ko na kailangan magmahal pa

na hindi ko kailangan ng tulad mo o tulad niya

kasi nga ayoko na ayoko na ,

ayoko nang mahulog pa

ayoko nang magmahal pa

ayoko nang umasa pa

ayoko nang Masaktan pa

kaya nabuhay ako sa sarili ko

kung saan nasabi kong Kaya ko na

pero dumating ka ,

dumating ka nang hindi ko inaasahan at nakilala kita

at ayun mukhang kinain ko ang salitang

sinabi ko na KAYA KO NA at AYOKO NA

akala ko noon kaya ko nang pigilan ang sarili kong magmahal pa

pero Hindi pala kasi nga dumating ka

naalala ko pa noong una kitang nakita ,

noon nainis pa ko sayo ,

nainis ako na may halong selos dahil ikaw ang papalit sa pwesto ko

pero nung una beses kitang nakausap

tila ba kinausap ako ng mga anghel sa ulap

at bawat salita na binibigkas mo'y

napakagandang musika na tila galing sa alapaap

unang araw palang nakita ko na kung paano ka tumawa

sa bawat hugot kong walang kwenta

nakita ko kung paano ka makisabay ng Tawa

sa bawat halakhak ko sa sarili kong biro

at lumipas ang ilang araw na nakasama kita ,

ilang araw na tila ba ilang dekada na

kung paano tayo magbiruan

kung paano mo hilahin ang buhok ko

na dinaig mo pa yung kaibigan ko

naaalala ko pa yung panahon kung paano tayo magtawanan

kung paano tayo mag asaran

kung paano ako mapikon sa mga banat mo

sabay kurot sa pisngi ko kapag sumisangot ako

tapos tatawa ka sabay sabing "Hahaha ! Pikon ka na naman"

yung panahong sobrang saya

na para bang matagal na tayong magkakilala

pero pang-apat na araw palang pala

sayang lang kasi hindi tayo nabigyan ng pagkakataong

mas makilala ang isa't isa

dahil kailangan ko nang umalis at iwan ka

nakuntento nalang ako sa komunikasyong meron tayo

kung saan gumawa tayo ng grupo

masaya na rin ako kahit papaano

pero ang totoo nahihirapan ako

nahihirapan ako kasi pinipigilan ko yung sarili ko

sa mga pagkakataong parang mayroon kang pinapakitang motibo

pero bigla kong maiisip na baka nag assume na naman ako

pinipigilan ko ang sarili kong maniwala, kasi ayoko

pinipigilan ko yung sarili kong sumaya, kasi ayoko

pinipigilan ko yung sarili kong magmahal, kasi ayoko

pinipigilan ko yung sarili kong mahulog, kasi ayoko

ayoko! ayokong aminin sa sarili ko

na ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya

na ikaw ang dahilan kung bakit nilunok ko yung sinabi kong

Kaya ko na at Ayoko na

ayoko ng mahulog pero nahulog na naman ako

nahulog ako sa taong hindi ako masasalo

kaya heto , habang mababaw pa ang pagkakahulog ko

ay pinipilit kong bumangon at tumayo

pinipilit tumayo at magpakalayo layo

upang makalimutan ko kung paano ako sumaya sayo

kung paano pumatak ang luha sa mga mata ko

sa tuwing ika'y naaalala ko

baka nga hanggang dito lang ang parte mo

sa kabanatang ito

pero umaasa pa rin ako na sa susunod pang kabanata

ay magkitang muli tayo

ngunit sa ngayon ay hanggang dito nalang ito

sa kabanata kung saan merong Ikaw , merong Ako

pero kailanman walang naging TAYO ...


 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

FOLLOW ME

  • Facebook Social Icon
  • Twitter Social Icon
  • YouTube Social  Icon

© 2016 by Jessica Dionisio. Proudly created with Wix.com

bottom of page